Linggo, Enero 22, 2017

My Revolutionary Pet

     "Hindi ako makakapunta sa miting ha? Pakisabi na lang kay Gen. Zeny.  Ayusin ko muna ang hassle dito sa bahay.  Nakakagat 'yung aso ko... kawawa naman 'yung aso;  Bagani pa naman ang pangalan.  Nakakatanggap ng death threat sa mga tao at pangba-bash sa social media.  Nalilito na nga ako kung sino 'yung nag-aasal hayop at nag-aasal tao.  Malupit talaga ang mundo!  

      Si Bagani, 'yung aso labis na naaapektuhan.  Hindi makakain, laging tulala.  Hindi naman daw n'ya sinasadya.  Natuwa lang daw s'ya sa mga batang naglalaro ng habulan.  Gusto niyang sumali.  Siya ang taya.  Nang makorner n'ya 'yung bata, dinambahan!  Wala s'yang balak kagatin, pero mukhang dumiin 'yung kanyang kuko sa likuran ng paslit... nagmarka, kaya nagngangangawa!

          Nagsumbong sa magulang 'yung bata; resbak 'yung nanay at tatay kasama ang ilang kapitbahay.  May dala-dalang pamalo.  Nagkaroon ng konting komusyon at habulan.  Humupa lang nang makiusap na ang aking asawa na hindi tatakasan ni Bagani ang kanyang responsibilidad.  Dinala ni misis ang bata sa center pero wala roong anti-rabbies.  Doon sa pribadong clinic nabigyan ng paunang lunas ang paslit.  Luwa kami ng pera!

          Nang ako ay makauwi, inusisa ko kung sino ba talaga ang may kasalanan; ang tao ba o ang hayop?  Pero nauwi lang sa pagtuturuan.  Magaling mangatwiran ang aso, talo pa ang tao; dahil marunong magpakumbaba.  Kumakawag lang ang buntot!  Pero ang tao, kapag nangatwiran, laging nakasinghal, parang mangangagat!

          Ngayon, nagpasya kong huwag na munang pumasok.  Kasama ko si Bagani at ang iba pang asong katulad niya.  Sabihin na nating , inoorganisa!  Oo, inoorganisa ko sila.  Kailangan sa kilusan ang mga kasamang "mabuting tagasunod."  Madali silang hubugin sa isang oryentasyon na maglilingkod sa bayan sa ngalan ni Bathala.  Sila ang matatalim na pangil ng rebolusyon... ang magpapalaya sa hilahod nating sambayanan!

Ang Epidemya

Mas maaga akong nagising kaysa sa karaniwan.   Ngayon ay nasa ikalawang araw na ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) da...