Martes, Marso 17, 2020

Ang Epidemya


Mas maaga akong nagising kaysa sa karaniwan.  Ngayon ay nasa ikalawang araw na ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa lumalalang sitwasyon sa mapaminsalang COVID19 (Corona Virus Disease).  Kakaibang umaga ito sa akin.  Wala na ang nakasanayang pagkaaligaga sa pagpasok sa eskuwela.  Napaaga ang bakasyon.  Mabuti na rin ito nang maiwasan ang pangamba na mahawa sa mga taong may sintomas ng virus. Mahalaga ang kalusugan.  Sa katulad nating limitado ang financial resources; lalo na sa mga taong maituturing na walang-wala; ang kalusugan  ay ang maituturing na kayaman.
            Sa oras na ito; 8:02 ng umaga, 187 na ang kompirmadong may COVID19 dito sa Pilipinas; 14 dito ang kompirmadong namatay at 4 ang sinasabing nakarekober. Hindi pa kasama sa bilang ang mga Pilipinong dinapuan ng sakit mula sa ibang bansa.   Maaaring sabihing maliit ang bilang na ito kung ikukumpara sa bilang ng mga taong naging biktima sa ibayong dagat; ngunit kapansin-pansin ang pagtaas ng bilang ng mga taong nahahawahan habang dumadaan ang mga araw. 
Noong nakaraang Lunes (Ika-9 ng Marso, 2020) nasa dalawampu (20) pa lamang ang naiuulat na kompirmadong may COVID19; at nang ipatupad na ang Community Quarantine ng pamahalaaan (ika-13 ng Marso, 2020) batay na rin sa rekomendasyon ng Inter-agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) sa pangunguna ng Kagawaran ng Kalusugan (DOH) kapansin-pansin ang paglobo ng bilang ng mga naapektuhan ng sakit.
[1]Marso 14, 2020, araw ng Sabado, mula sa 98 na kaso ay nadagdagan ito ng 34. Naging solusyon ng gobyerno ang pag-lockdown sa mga pangunahing lungsod sa Kamaynilaan.  Mula sa Community Quarantine, pinaigting ito gamit ang terminong Enhanced Community Quarantine kahit pa kasingkahulugan ito ng Total Lockdown ng buong Kamaynilaan. 
Kumalat ang virus ng “tamang hinala” sa social media; tila “Martial Law” ang peg ng gobyerno sa paghahanap ng solusyon para sa mapaminsalang virus.  Kaliwa’t kanan ang checkpoint. Kapansin-pansin ang pagdami ng pulis at militar sa kalsada.  “Solusyong Medikal at hindi Militar!” ang sigaw ng mga aktibista. Marami ang nag-panic. May ilang lugar na ang nagpatupad na ng curfew.
At noong gabi ng Marso 16, 2020 (Lunes), tuluyan nang iniutos ng pinakamakapangyarihang tao sa bansa ang pag-lockdown sa buong isla ng Luzon. Sinabi nito [2]This is not martial law. Huwag kayong matakot. Walang magdi-display ng baril diyan except ‘yung mga members ng Armed Forces o police.”
Kahit papaano ay pinahuhupa ng gobyerno ang aking pag-aalala. 
Ngunit, hindi karaniwan ang gising ko ngayon.  Kahapon, (Marso 17, 2020) ilang oras bago ang pagdedeklara ng total lockdown; tahimik ang balita kay [3]Marlon Maldos.  Sa katanghaliang tapat, sa mahabang haywey ng Dela Paz, dalawang kilometro mula sa Tagbilaran  City, duguan siyang humandusay sa tama ng baril.  Siya ang pinakabatang biktima ng Extra Judicial Killing sa lalawigan ng Buhol!  Lockdown ang balita tungkol sa kanya! At naisip ko, naka-quarantine rin marahil ang impormasyon laban sa mapaminsalang virus ng pandarahas!
   



[3] Si Marlon Maldos 25, ay miyembro ng Bol-anong Artista nga may Diwang Dagohoy (Bansiwag). Bago ang pamamaslang nakakatanggap siya ng panghaharas mula sa militar.p

1 komento:

  1. Hindi ko lubos na pasasalamatan si Dr EKPEN TEMPLE sa pagtulong sa akin na ibalik ang Kaligayahan at kapayapaan ng pag-iisip sa aking pag-aasawa matapos ang maraming mga isyu na halos humantong sa diborsyo, salamat sa Diyos na ang ibig kong sabihin ay si Dr EKPEN TEMPLE sa tamang oras. Ngayon masasabi ko sa iyo na ang Dr EKPEN TEMPLE ay ang solusyon sa problemang iyon sa iyong kasal at relasyon. Makipag-ugnay sa kanya sa (ekpentemple@gmail.com)

    TumugonBurahin

Ang Epidemya

Mas maaga akong nagising kaysa sa karaniwan.   Ngayon ay nasa ikalawang araw na ng pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) da...